HINDI napigilan ni Carmina Villaroel ang magtanong sa magka-loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin ng tungkol sa klase ng pakikipagrelasyon ng mga kabataan ngayon.
Kasama ni Carmina ang dalawang Kadenang Ginto stars sa bagong iWant movie na “Wild Little Love” ni Benedict Mique. Ka-back to back nito ang isa pang digital film na “Silly Red Shoes” starring Francine Diaz at Kyle Echarri na idinirek naman ni James Mayo.
Na-curious si Carmina kung paano idi-describe ng mga youngstars ang pakikipagrelasyon ng generation ngayon na kinabibilangan ng dalawang loveteams.
Kasama si Carmina sa iWant movie nina Andrea at Seth. Si Carmina ang nanay ni Andrea sa “Wild Little Love” at si Alfred Vargas naman ang gumanap na mister niya.
Nasagot naman nina Andrea at Seth ang tanong ni Carmina at na-convince naman nila ang talk show host.
Sunud-sunod naman ang mga pelikula ni Direk Benedict sa iWant. Nauna nang ipalabas sa iWant ang horror-suspense thriller niyang “Barbara Reimagined” and now, isang youth-oriented pampakilig-ng-fans naman ang genre na ginawa niya for Andrea and Seth.
Naging isa sa mga in-demand directors si Direk Benedict after ng successful Cinemalaya entry niya last year, ang “ML” na pinagbidahan ng yumaong legendary actor na si Eddie Garcia at ni Tony Labrusca. Sinundan ito ng sexy-romantic movie na “MOMOL Nights.” At ang latest nga, ang comedy film na “Two Love You.”
Ang “Wild Little Love” ay co-produced ng Dreamscape Entertainment at LoneWolf films habang ang “Silly Red Shoes” ay co-produced ng Dreamscape Entertainment at Spring Films kung saan tampok din sina Anna Luna, Karen Reyes at Herbert Bautista.
Ang dalawang pelikula ng The Gold Squad ay bahagi ng offerings ng iWant sa unang anibersaryo nito na mapapanood na sa Nov. 23 at 27.
Bukod dito, magkakaroon din ng pagkakataon ang kanilang fans na magpasya: Ikaw ba ay Team Silly o Team Wild? Iboto na ang pelikulang una mong gustong mapanood sa espesyal na poll sa official Facebook page ng Dreamscape Entertainment (facebook.com/ DreamscapePH).