Kontrobersyal na female celeb, 2 aktor pinulutan ng mga beki | Bandera

Kontrobersyal na female celeb, 2 aktor pinulutan ng mga beki

Cristy Fermin |November 18,2019
facebook
share this

Kontrobersyal na female celeb, 2 aktor pinulutan ng mga beki

Cristy Fermin - November 18, 2019 - 12:15 AM

MALAKAS ang ulan nu’ng gabing ‘yun, sobrang matindi ang traffic, parang may sinusundang santacruzan ang mga motorista sa sobrang bagal ng takbo ng mga sasakyan.

Nagkasundo ang magkakaibigang becki na pare-parehong may kuneksiyon sa showbiz na magkape-kape na lang muna, magkakaiba lang ang network na pinaglilingkuran nila, pero wala silang samaan ng loob dahil trabaho lang naman ang kanilang ginagawa.

Napakarami nilang pinagkuwentuhan, kasama na ang isang kontrobersiyal na female singer na kinaii-nisan ngayon ng marami, dahil sa pambibitin sa isa nitong tinanguang concert.

Dati na raw palang maldita ang babaeng singer, hindi lang halatado, dahil magaling itong magtago ng kanyang tunay na attitude.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Nakasama na namin ‘yun sa isang corporate show, malditics na siya kahit nu’n pa! Maangas siya, nakasimangot palagi, may sarili siyang mundo!”

Sabi naman ng isa pa, “Mataas ang tingin ng girl na ‘yun sa sarili niya, maganda raw kasi ang boses niya, kaya meron siyang pambulag!

“Galing ‘yun sa isang network, di ba? Naku, makibalita kayo du’n, marami silang kuwento tungkol sa babaeng ‘yun na maraming kaartehan!” sabi nito.

Ang sumunod namang pinagpistahan ng grupo ay ang dalawang pamosong lalaking personalidad na hanggang ngayon ay single pa rin sa kabila ng kanilang pagkakaedad.

Sabi ng isang impormante sa umpukan, “Pareho ang stand nila, hinihintay pa nila ang tamang pagkakataon bago sila magpakasal. Napakatagal na nilang isinasangkalan ang tamang panahon, pero kailan ba ang right time para sa kanila?

“E, tumatanda na sila, kitang-kita na ang ebidensiyang baka ilang taon na lang, e, maiwanan na sila ng biyahe, tamang pagkakataon pa rin ang sinasabi nila?

“Lalo na si Actor A, lumilitaw na ang mga pileges niya, pero hanggang press release pa rin ang sinasabi niya kapag may nagtatanong sa kanya kung kailan siya mag-aasawa?

“Si Actor B naman, e, hindi pa masyadong halatado ang pagkakaedad, pero papunta na siya du’n, right timing din ang ikinakatwiran niya? Ano ba? May plano pa ba talaga silang mag-asawa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, ha? Tantanan na nila ang pagpe-press release, naiinip na ang mga naka-kabasa ng mga idinadahilan nila. Sabihin na lang nila ang totoo na hindi talaga sila papasok sa ganu’ng sitwasyon dahil may problema sila!” madiin at mataray na pagtatapos ng source.

Hala, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, masusubok ngayon ang powers n’yo sa panghuhula kung sinu-sino sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending