Morissette tsugi sa listahan ng mga singer na pambenta sa mga X-mas party

By Cristy Fermin November 18,2019
share this

Morissette tsugi sa listahan ng mga singer na pambenta sa mga X-mas party

By Cristy Fermin November 18,2019
share this

MORISSETTE AMON

SINASABI na nga ba. Tama ang opinyon ng marami na magkakaroon ng epekto sa singing career ni Morissette Amon ang kinasangkutan niyang pagwo-walkout kamakailan sa isang concert.

Hindi niya ikagugutom ang hindi na pagkuha sa kanya ng mga shows, pero makakaapekto pa rin ‘yun sa kanyang karera, makakukurot pa rin sa pagiging singer niya.

Malapit na ang Pasko, maraming kumpanya na ang naghahanda para sa kanilang Christmas party, kapag ganu’n ay kumukuha sila ng special guest singer para magpasaya sa kanilang mga empleyado.

Isang kilalang multi-national company ang nu’ng Oktubre pa lang ay meron nang listahan ng mga napupusuan nilang mag-guest sa kanilang Christmas party.

Kasama ang pangalan ni Morissette Amon sa listahan dahil magaling naman talaga siyang singer. Pero nang pagpistahan ang kuwento ng pagwo-walkout niya sa concert ni Kiel Alo ay nagbago na ng isip ang mga namamahala sa corporate show.

Inalis na nila sa listahan si Morissette, walang ibinigay na dahilan ang aming kausap, pero kailangan pa ba namang usisain kung bakit?

Natural lang na nag-aalala ang mga mag-iimbita na baka magkaroon din ng problema kapag kinuha nilang performer si Mori.

Hindi man ‘yun maging suntok sa singing career ng dalaga ay makakukurot pa rin, saanmang anggulo tingnan ay negatibo ‘yun para sa karera ni Morissette Amon, sa katotohanan lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending