HEART nakipag-ayos na sa magulang, pero di pa rin tanggap si SEN. CHIZ?

Hindi pa man masasabing okay na okay na, masaya pa rin si Heart Evangelista dahil nagkaroon na uli sila ng komunikasyon ng kanyang mga magulang.

Sa isang interview sa TV, sinabi ng Kapuso actress na, “Everything’s well right now.” Kasabay ng kanyang dasal na sana’y tuluy-tuloy na ang pakikipag-ayos niya sa kanyang ama’t ina.

Hindi na idinetalye pa ni Heart ang tungkol sa pag-uusap nila ng kanyang ina pero aniya, ito na ‘yung pagkakataon na hinihintay nilang lahat.

Hindi naman sinagot ng aktres kung tanggap na ng mga ito ang boyfriend niyang senador. “I realized kasi personal life is…must be private,” saad pa ng GF ni Sen. Chiz Escudero.

Sa ngayon, wala nang mahihiling pa ang aktres dahil masayang-masaya rin ang kanyang lovelife. In fairness, lagi na lang silang magkasama ni Chiz kahit saang showbiz functions, ha! Baka naman magkasawaan agad, ha! Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Read more...