Bangkang de motor lumubog sa Siquijor: 11 nailigtas; 8 drum ng langis narekober


NA-rescue ng mga miyembreo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Siquijor ang 11 pasahero at crew matapos lumubog ang isang bangkang de motor sa karagatan ng San Juan, Siquijor noong Sabado,

Nanggaling ang bangka mula Dipolog City at papunta sanang Masbate nang paghahampasin ng malalaking alon, dahilan para ito lumubog, ayon sa pahayag ng PCG.

Sakay ng bangka ang apat na pasahero, pitong crew, walong drum ng diesel at 22 walang lamang drum.

“Big waves brought by the heavy weather condition caused the motor banca to capsize,” sabi ng PCG.

Idinagdag ng isang opisyal ng PCG Siquijor, na pawang ligtas ang mga na-rescue at pansamantalang nasa pangangalaga ng mga residente sa Barangay Cangmunag, San Juan.

Narekober ng PCG ang walong drum ng diesel mula sa bangka at nasa Barangay Cangmunag.

Nailipat na ang bangka sa dalampasigan ngayong araw.

Sinabi ng PCG Siquijor na nakikipag-ugnayan na sila sa operator ng bangka para makauwi ang mga nailigtas.

Read more...