Aicelle Santos, Mark Zambrano kasal na; sunflowers bidang-bida sa garden wedding

IKINASAL na ang award-winning Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa broadcast journalist na si Mark Zambrano.

Naganap ang kanilang garden wedding sa El Jardin De Zaida, Sitio Lagkit, Brgy. Abung sa San Juan, Batangas nitong nakaraang Sabado.

Yellow at blue ang napiling color motif nina Aicelle at Mark para sa kanilang kasal with sunflowers as the main decor na siyang paboritong bulaklak ng bride.

Ang bridal gown ni Aicelle ay gawa ni Edwin Tan habang gwapong-gwapo naman ang groom sa kanyang blue tux with matching red bow tie.

Para sa kanilang bridal march song, tinugtog ang kanta ni Amel Larrieux na “Make Me Whole.” 

Punumpuno rin ng sunflowers ang venue ng kanilang wedding reception kung saan ang naging main highlight ay ang first dance nina Aicelle at Mark as husband and wide. Hinarana sila ng The CompanY.

Dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ang intimate wedding. Kung matatandaan, naging magkarelasyon ang bagong kasal noong 2016 at naging engaged  last year.

Read more...