Ion Perez sininghut-singhot si Vice: Ang bango mo kasi! Ang fresh-fresh!

VICE GANDA AT ION PEREZ

Ang daming kinilig sa conversation nina Vice Ganda at Ion Perez nang mag-live sila sa social media.

“Hi everyone,” say ni Vice.

“What’s up?” say ni Ion.

“Wala lang. I’m, bored. Wala lang akong magawa. Gusto ko lang mag-live. Alas sais na ng gabi, fresh pa rin ako. Fresh ka pa ba?” say ni Vice.

Biglang may tumawag kay Ion sa phone, madir pala niya. Mabilis lang ang kanilang pag-uusap.

“Ba-bye agad. Wala ka man lang sinabi sa nanay mo?” say ni Vice kay Ion.

“Si nanay, ni-report lang niya ang pinapagawa,” sagot ni Ion.

“Ang fresh, fresh mo, ha,” say pa ng binata.

“Talaga! I am so fresh,” say ni Vice Ganda.

Napatili si Vice nang “ano ba?” nang amuy-amuyin siya ni Ion na naggalit-galitan at sinabing, “Eh, di ’wag.”

“Singhot nang singhot!”

“Bango mo kasi. ‘Wag kang magpabango para hindi kita singhutin. Amoy hidurans,” say ni Ion.

Napatili na naman si Vice and said, “Amoy ano? Amoy ano? Hidurans ampota. Endurance! ‘Yung Hidurans ba ang may-ari si Kevin Durans. Si Kevin Durans ang may-ari ng Hidurans.”

Grabe magkulitan ang dalawa. Aliw na aliw ang fans sa kanila.

Teka, bakit hindi mag-guest si Ion sa Gandang Gabi, Vice. Paniguradong inaabangan siya roon ng fans ni Vice Ganda. Tiyak na riot iyon lalo pa’t nakakaaliw naman ang binata.

Incidentally, mukhang suwerte si Ion who was adjudged Breakthrough Artist of the Year at the LionhearTV Rawr Awards 2019.

Read more...