Feeling ni Janella Salvador naka-move on na talaga si Joshua Garcia sa break-up nila ni Julia Barretto.
Magkasama sila sa Kapamilya primetime series na The Killer Bride.
Nagkita muli at sandaling nagkausap sina Joshua at Julia sa ABS-CBN Christmas ID shoot. Maraming fans ang natuwa nang makita ang pictures nila together.
Sa presscon ng bagong horror movie ni Janella, ang “The Heiress” kasama si Maricel Soriano, natanong ang dalaga kung totoong naka-move on na si Joshua kay Julia?
“Actually, okey naman si Joshua, e. Hindi ko siya nakitaan ng na-depress or whatever. He told me happy naman siyang nag-e-explore sa life by himself. So he’s doing good.”
Medyo close na raw sila ni Joshua ngayon at bilib na bilib din siya sa galing ng binata sa pag-arte, “Sobrang nakakatuwa. I’m actually having so much fun working with Joshua.
“It’s true what they say, napakagaling niya talaga. Nagkaroon na rin kami ng sariling bond, e. Open kami sa isa’t isa. Kapag may problem, nakakausap namin ang isa’t isa.
“So, kapag nagkakaeksena kami, talagang naiintindihan na namin isa’t isa tinginan pa lang,” aniya pa.
Hindi ba nakakailang na pareho siyang malapit kina Joshua at Julia? “Work is work naman, e. I’m still friends with Julia but that doesn’t mean naman hindi kami puwedeng maging friends ni Joshua.
“So kahit loveteam kami on screen, hindi naman kailangan sa totoong buhay may something din, e,” aniya pa.
Speaking of “The Heiress” muling sasabak sa horror-suspense movie si Janella and this time, si Maricel naman ang mananakot sa kanila bilang mambabarang.