Gov’t exec may sumpong lagi

DA who ang isang government executive na may sumpong lagi ngayong nakalipas na mga araw at laging nagtataray kapag tinatanong ng mga mamamahayag.

Nitong nakaraang linggo, kapansin-pansin ang pagiging mainitin ng ulo ni Mr. Official.

Puro pabalang ang mga sagot ni government official sa lahat ng mga tanong sa kanya.

Umpisa pa lamang ng kanyang sagot sa mga katanungan ay halatang hindi maganda ang gising ng opisyal matapos ngang magpakita ng kagaspangan si government exec.

Usap-usapan tuloy na posibleng nasabon ang govenmet exec kaya siya nagsusungit.

Bago pa nito, kumalat na napagalitan si government executive sa kanyang pahayag, dahilan para baguhin niya ang sinabi.

Matagal na ring namumuro ang opisyal dahil sa kanyang mga kapalpakan.

Hindi tuloy maiwasang ikumpara siya sa kanyang pinalitan.

Biruan tuloy ng mga mamamahayag na ibalik na lang ang pinalitan ni Mr. official dahil sa kapalpakan nito.

Komento pa ng ilan pang miyembro ng media, baka may buwanang dalaw ang opisyal kayat ganun na lamang ang kanyang pagsusungit.

Binigyan na nga ng code name ang opisyal ng mga miyembro ng media na nakatalaga sa kanya.

Gusto pa ba ninyo ng clue?

Kilalang fashionista si Mr official, bagamat medyo hindi mo gugustuhing gayahin.

Hindi rin kataka-taka ang pagiging sumpungin ni Mr. executive dahil hindi na ito bumabata.

Tiyak kong alam na ninyo ang tinutukoy ko.

Read more...