INAABANGAN na ang reunion concert ng sikat na grupo nu’ng ‘90s, ang Neocolours, sa Music Museum ngayong gabi titled “Neocolors: Tuloy Pa Rin Ang Banda” directed by Frank Lloyd Mamaril.
Isa sa mga pinakasikat na banda nu’ng ‘90s ang Neocolours. At halos lahat ng songs nila, naging hit gaya ng “Tuloy Pa Rin,” “Say You’ll Never Go,” “Maybe,” Hold On” at “Kasalanan Ko Ba?”
Ang Neocolours ay binubuo nina Ito Rapadas, Jimmy Antiporda, Marvin Querido, Josel Jimenez, Paku Herrera at Nino Regalado.
Actually, hindi naman na-disband ang grupo. In fact, may ni-release pa silang song a few years ago titled “Giliw” at nagko-concert pa rin sila every now and then. Sabi sa amin nina Ito, Marvin at Jimmy, they just go on with their individual lives and careers.
“Most of us are still very active in the music industry as TV and concert music directors, record producers and executives, session artists, arrangers. Music continues to connect us even outside of the band,” lahad ni Marvin.
Top executive ng kilalang recording company si Ito ngayon habang si Marvin naman ay one of the most in-demand musical directors sa bansa.
Special guests sa concert ng Neocolours sina Nicole Asensio, Jett Pangan at Jamie Rivera. For tickets, go lang kayo sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.