Maricel naadik sa gym kaya biglang pumayat

ERIC QUIZON AT MARICEL SORIANO

Ang laki na ng nabawas sa timbang ngayon ni Ms. Maricel Soriano dahil nagdyi-gym na siya matapos payuhan ng kinakapatid na si Eric Quizon.

“Sabi ng kapatid ko magbawas ako pati sa pagkain, alam mo naman ‘yun, takot ako roon, eh,” nakangiting sabi ng lead actress ng pelikulang “The Heiress” na mapapanood na sa Nob. 27 mula sa Regal Films, sa direksyon ni Frasco Mortiz.

Nabanggit pa ng Diamond Star na sa edad niya ay kailangan na niyang pangalagaan ang kalusugan dahil tumatanda na rin siya. Isa pa sa nilu-look forward ni Maricel kung bakit kailangan din niyang maging healthy ay dahil gusto niyang magtuluy-tuloy ang paggawa niya ng pelikula at teleserye.

“Tulad niyan, may teleserye akong gagawin pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano at kung sino kasi bawal pa,” sambit ng aktres.

Kaya itong “The Heiress” muna ang gustong pag-usapan ni Marya lalo na ang mga bagong katrabaho niyang sina Janella Salvador at McCoy de Leon.

Sa presscon ay nabanggit nina Janella at McCoy na takot sila nu’ng unang makaharap si Maria. Pero nabura ang takot ng dalawang youngstars nang kausapin na sila ng beteranang aktres.

Kuwento ng ni McCoy, “Suwerte ko kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at siyempre sa Regal na na-consider po nila ako kaya ang experience na ‘to, hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

“May time na pawis na pawis ako kasi laging naka-jacket yung karakter ko. Nagulat ako dahil biglang nandiyan na siya sa likod ko. Si Inay Marya, naglagay ng bimpo sa likod ko. Sobrang nagulat ako.

“Parang napakasuwerte ko na artista na naging nanay ko mismo sa set si Inay Marya. Yung bimpo niya, nandiyan sa akin, hindi ko nilalabhan. Nakatabi lang sa akin,” pagtatapat ng aktor.

Ayon naman kay Janella, “It’s such a pleasure working with her. At first, sobrang na-starstruck ako sa kanya and then, sabi niya sa akin, ‘Huwag kang ma-starstruck. Kailangan may sarili kang ano, identity. So, naging comfortable na ako sa set with her and she’s really nice.”

Napangiti naman si Maricel sa mga papuri sa kanya ng dalawang bagets kaya ito rin ang dahilan kung bakit inspired siyang magtrabaho ulit.

Read more...