Confused sa ex, katropa

DEAR ateng Beth,
Si Becky po ito, 22 years old, taga-Laguna.
May problema po kasi ako, may ex po ako. Ngayon po di ko po maintindihan ‘yung feelings ko kung mahal ko pa ba siya o hindi na.
Kasi po nalaman ko po na magka-chat po sila palagi ng tropa ko na parang kapatid ko na rin po.
Sa kanya pa po ako nag-open nung nag-break kami ng ex ko. Ngayon po di po ako pinapansin ng tropa ko, di ko po alam kung bakit.
Ateng Beth, ano ba ang dapat kong gawin? May feelings pa po ba ako sa kanya?
Becky, Laguna

Magandang araw sa iyo Becky! Gusto ko lang linawin kung saan ka ba mas affected? Nalilito ka ba kung may feeling ka pa sa ex mo o dahil hindi ka na pinapansin ng katropa mo?
I’m guessing both.
Ask yourself kung may feelings ka pa sa ex mo, sa tingin ko, ikaw lang makakasagot nun. Balikan mo rin ang rason ng paghihiwalay ninyo. Ano ba ang puno’t dulo nito? Was it mutual? Sino ba ang nakipaghiwalay?
Chances are, kung siya ang nakipaghiwalay sa’yo, baka naman may feelings ka pa nga sa kanya at hindi ka pa nakage-get-over kasi nga affected ka pa.
Resolve this on your own and figure out kung worth it ba na magkaroon pa ng feelings sa ex. Tandaan, feelings are fleeting. Maaaring sa ilang mga araw ay mawala rin ito. Makakalimutan. So keep your emotions intact and just relax while you figure things out.
Sa katropang hindi namamansin, maybe ask that person why. Ask him or her directly kung ano ang problema. I don’t see anything wrong with asking.
Mahirap manghula kaya ask her or him right away, and resolve the issue between the two of you. Gets?

Read more...