Andrea kay Seth: Salamat sa pagke-care mo kahit minsan tinotopak ako

SETH FEDELIN AT ANDREA BRILLANTES

Marami ang kinilig sa palitan ng mensahe nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na bida sa iWant movie na “Wild Little Love”.

The movie revolves around Sam (Andrea) na mapipilitang mag-aral sa isang public high school bilang parusa. Mahihirapan siyang makisama sa bagong mundong ginagalawan, kaya’t tutulungan siya ng masipag na chick boy na si Jake (Seth) at tuturuan itong pahalagahan ang simpleng buhay.

“Una, gusto kong sabihin congrats sa ating dalawa dahil ito na ‘yung first iWant movie natin together. Ito ‘yung pinaghirapan natin. Malapit nang mapanood ng maraming tao.

“Thank you kasi sinuportahan mo ako. Thank you sa pagke-care mo sa akin, sa pag-intindi mo sa akin kahit minsan ay tinotopak ako, kahit madalas kasi siyempre sa pagod. ‘Yun lang. Nandito ako parati para sa iyo. Alam mo naman ‘yun. I will always support you,” sweet message ni Andrea kay Seth.

“Ako naman, Andrea, nagpapasalamat ako kasi kahit bago ako dito ay nandiyan ka. Tapos ni minsan wala akong narinig sa ‘yo na ‘ay, bat ganu’n ‘yun?’ Nagpapasalamat ako kasi tinrato mo ako na tunay na kaibigan. Pinaramdam mo sa akin na may kaibigan ako kasi kung tutuusin Gold Squad lang ‘yung pinakakaibigan ko dito, eh.

“Salamat kasi nandiyan ka. Salamat sa mga times na may iniisip ako, nandiyan ka. Isang kulit mo lang sa akin nasa ‘yo na atensyo, wala na sa iniisip ko. Salamat at nagtiwala ka sa akin. Lagi mong tandaan na nandito ako palagi para sa iyo. Maaasahan mo ako,” say naman ni Seth.

Read more...