Male singer negang-nega: Nakakadiri siya, nakakasuka!

HINDI na bago para sa kanyang mga kasamahang performers ang pinalulutang na kabastusan ng isang may edad nang male singer. Wala pang social media ay ganyan na kuno ang matanda nang singer.

Maraming kapwa niya singers ang nagkukuwento na nu’ng sikat na sikat ang kanilang grupo ay napakatayog ng tingin niya sa kanyang sarili.

Kuwento ng isang source, “Dati nang epal ang matandang singer na ‘yun! Napakaepal niya, malayung-malayo ang ugali niya sa mga kasama niya sa grupo!

“Napakataas niyang magsalita, marami siyang kaepalan kapag may show sila, ang dami-dami niyang hinihinging imposible na kung tutuusin!

“Nu’n pa man, e, ganyan na siya, marami na siyang kaaway, hindi nga lang ‘yun lumalabas dahil wala pa namang social media nu’n!” unang chika ng aming impormante.

Ang mismong mga kasama kuno ng maepal na male singer ay inis din sa kanya. May mga kumukuha kasing mga prodyuser sa kanila sa iba-ibang bansa na hindi na uli tumatawag dahil sa kanyang mga hinihingi.

Patuloy na chika ng aming source, “Marami siyang sinayang na opportunities para sa grupo nila, lalo na sa mga bansang gustung-gusto sila ng mga Pinoy, hindi ‘yun natuloy dahil sa maepal na matandang ‘yun!

“Kasi nga, dahil sa tindi ng tingin niya sa sarili niya, e, kung anu-ano ang hinihingi niya sa mga producers!

Okey lang ang dalawang kasama niya, pero ang hitod na matandang ito, epal talaga!

“Ayun, hindi na tuloy sila binabalikan ng kumukuha sa kanila, bigla na lang naglalaho ang pagkakataon, dahil sa kayabangan ng matandang singer na ‘yun!

“Natural, naiinis ang mga kasamahan niya, napakalaking opportunity at kikitain nga naman tuloy ang nawawala sa kanila! Ang katwiran naman ng matandang singer, e, ang premium kuno nila!

“Kapag pumayag kuno silang tawad-tawaran ng mga producers, e, bagsak-presyo na ang kauuwian nila!

Wala siyang pakikisama, kahit kaibigan na nilang singer ang kumukuha sa serbisyo nila, e, tinatalo pa rin niya!

“Ngayon, nasaan na siya? Ayan, negang-nega na siya, pinakikialaman niya kasi ang mga personalities na nananahimik lang! Nakakaloka siya, ha?

“Tumatanda siya nang paurong! At may kasuka-suka pa siyang ginawa! Nakakadiri siya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.

Kailangan pa ba n’yo ng clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba?

Read more...