Kobe sinugod ng mga beki sa UST-UP match sa MOA: Kanin na lang may yummy ulam na!
Nanood ng laban ng UP Fighting Maroons at UST Growling Tigers sa MOA ang mga kaibigan naming becki. Do or die ang laban, ang mananalo sa bakbakan ang makakaharap ng Ateneo Blue Eagles sa championship, punumpuno ng mga nakadilaw at naka-maroon ang MOA.
Aminado naman ang mga kausap naming becki na wala silang masyadong alam sa basketball, pero sadya nilang pinaghandaan ang engkuwentro ng UP at UST dahil kay Kobe Paras, ang kinahuhumalingan nilang basketball player ngayon.
“Grabe! Paglabas ni Kobe sa dugout para mag-shoot-shoot, hindi na magkarinigan sa buong MOA dahil sa malalakas na tilian! Napansin nga namin na kahit ang mga nakadilaw, e, kinikilig din sa kanya!
Napakaguwapo naman kasi ni Kobe, ang galing-galing pa niyang maglaro!” unang papuri ng kaibigan naming becki.
Tunay naman kasing makisig ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, walang mali sa kanyang itsura, nakadadagdag pa sa kanyang kaguwapuhan ang namana niyang husay sa paglalaro sa kanyang ama.
Kapag binabalya raw ng kalaban si Kobe ay ang mga tagahanga ng guwapong basketball player ang nagsusumigaw sa galit, talagang nilalait-lait ng mga nandu’n ang nananakit nang pisikal sa guwapong player, may mga nag-aaway-away pa nga.
Sabi pa ng isang kaibigan naming becki, “‘Yun ang talagang guwapo! Kanin na lang ang kulang dahil napakasarap niyang ulam! Sana, mag-artista na rin si Kobe, kami na ang magbo-volunteer na magtayo ng fans club para sa kanya!”
Natalo ang UP Fighting Maroons, tatlong puntos lang, pero walang pakialam ang mga becki sa naging resulta ng salpukan. Nagpunta lang sila du’n para makita nang personal si Kobe Paras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.