Hiwalayang Rocco-Lovi wala pang closure: ‘Di na kami nakapag-usap

ROCCO NACINO AT LOVI POE

TULAD ng kuwento ng bago niyang pelikula, ang 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Write About Love”, ilang beses na ring nasaktan si Rocco Nacino pagdating sa usaping pag-ibig.

Siyempre, kabilang na riyan ang paghihiwalay nila noon ng ex-girlfriend niyang si Lovi Poe, dalawang taon ding tumagal ang kanilang relasyon.

Nakachikahan namin ang Kapuso hunk sa pictorial ng “Write About Love” na ginanap sa TBA Studios sa San Juan at dito nga niya nasabi na ang pinakatema ng pelikula ay ang tungkol sa iba’t ibang emosyon na maaaring maramdaman kapag in love ang isang tao.

Kaya ang tanong sa aktor, sobra ba siyang nasaktan sa break-up nila ni Lovi? “For me kasi, phase yun na kailangan mong pagdaanan para mas maging strong ka, for you to be better.

“Pero katulad nu’ng sinasabi na takeaways natin dito sa ‘Write About Love’, you have to experience pain to experience joy,” lahad pa ni Rocco.

Kung masaya na siya sa lovelife niya ngayon sa piling ng kanyang GF, ang professional volleyball player na si Melissa Gohing, ibinandera na rin ni Lovi ang dyowa nitong British na si Monty Blencowe.

Ano ang reaksyon ni Rocco na finally ay may BF na rin ang ex niya? “A, wala akong balita tungkol diyan. E, kung may boyfriend na, e, di happy ako para sa kanya. Very good, very good.”

Sa tanong naman kung friends na sila uli ng Kapuso actress, diretso ang sagot ni Rocco, “Hindi pa kami nakakapag-usap.” Meaning, wala pa ring closure ang kanilang past relationship kahit may kanya-kanya na silang partners.

“I don’t know kung closure talaga, but so far hindi rin ako… hindi rin ako ang nakikipag-usap, e. Huwag na nating ipilit,” matipid na sagot ng binata. At kung posible na ba silang magsama sa isang project ng GMA 7, “Not for now. Maybe in time siguro, but definitely not now,”

About wedding plans, umaasa si Rocco na doon na mga patungo ang relasyon nila ni Melissa pero aniya, hindi pa ito mangyayari soon. Marami pa raw siyang dapat gawin at tapusin bago magpakasal, kabilang na ang kanyang dream house.

At siyempre, kailangang makaipon muna siya nang bonggang-bongga para sa future ng kanyang magiging pamilya.

Read more...