‘Love Shines’ 2019 Christmas Station ID ng GMA pinusuan ng Pinoy, trending worldwide | Bandera

‘Love Shines’ 2019 Christmas Station ID ng GMA pinusuan ng Pinoy, trending worldwide

Bandera |November 15,2019
facebook
share this

‘Love Shines’ 2019 Christmas Station ID ng GMA pinusuan ng Pinoy, trending worldwide

Bandera - November 15, 2019 - 12:20 AM

NGAYONG Kapaskuhan, nagliliwanag ang pagmamahal na hatid ng GMA Network sa pinakabago nitong Christmas station ID (CSID) na “Love Shines” na unang pinalabas noong Linggo.

Naging tradisyon na ng Kapuso Network ang nakakaantig-pusong Christmas campaigns nito tulad ng “PasaLove” (2009), “Share the Love” (2014), “MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko” (2015), at “Buong Pusong MaGMAhalan” (2017).

Muling nagsama-sama ang pinakasikat na Kapuso stars at respetadong News and Public Affairs personalities upang bigyan ng pahahalaga at sorpresahin ang mga taong nagpakita ng wagas na pagmamahal sa mga tao sa paligid nila.

Ilan sa mga taong kinilala nila ay ang isang inang walang-pagod na binubuhat ang kanyang 22-year-old na anak na may kapansanan para lang makapasok sa school araw-araw sa loob ng 15 taon; isang anak na proud sa kanyang tatay na nagsusumikap bilang garbage collector para maitaguyod ang pag-aaral nilang magkakapatid; isang earthquake survivor sa Pampanga at ang kanyang rescuers, at marami pang iba.

Sa pagpapakita ng mga totoong kuwento ng pagmamahal at pananalig, pinatunayan ng Kapuso Network na lahat tayo ay may kakayahang maging isang liwanag ng pagmamahal sa ating kapwa sa anumang paraan.

Agad na naging trending topic worldwide ang Christmas campaign na #LoveShines at naka-one million views naman ang video nito matapos i-launch noong Nov. 10. Umani ng paghanga mula sa netizens ang CSID dahil naipadama raw nito ang tunay na kahalagan ng Pasko at nakaka-encourage itong mag-share ng happiness, hope, at love lalo na sa mga pinakanangangailangan nito.

Komento ni Dawud Ben Olivar Oliquiano, “It will shine worldwide, not only this season but forever. Kudos GMA for this brilliant and amazing festive kind of a heartfelt storytelling of real life survivors and heroes.”

Sabi naman ni Honey May Lobedica, kasabay ng pagkamiss niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas, naramdaman din talaga niya sa CSID na love definitely shines kahit saan ka man magpunta. “When I watched the CSID of GMA I cried. I miss my family in the Philippines so much. This is my first Christmas away from home. Saan ka man lupalop ng mundo, don’t forget that #LoveShines in all of us. Thanks GMA for this heartwarming message.”

“You can feel GMA’s sincerity in reaching out to the needy. It is not only for publicity or ratings, they truly wanted to make a difference. And their artists reflect the values they hold dearly. Kapuso forever!” sabi naman ni Bo Mason.

Panoorin ang Christmas Station ID ng GMA Network sa GMA-7 at online sa www.GMANetwork.com o sa GMA Network official social media accounts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending