4 gold medals, target ng PH underwater hockey team

PH UNDERWATER HOCKEY TEAM. (mula sa kaliwa) Topz Policarpio, JV Lim, Bem Lim at Philippine Underwater Hockey Federation president Dennis Valdes sa kanilang pagdalo sa TOPS Usapang Sports forum Huwebes ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.

MAHABLOT ang nakatayang apat na gintong medalya ang asam ng Philippine underwater hockey team sa kanilang pagsabak sa 30th Southeast Asian Games.

Sa pagbisita sa ika-49 edisyon ng ‘Usapang Sports’ forum ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Maynila, sinabi ni Dennis Valdes, pangulo ng Philippine Underwater Hockey Federation, na malaking tulong ang pagdating ng mga mahuhusay na manlalaro mula sa New Zealand at Australian upang matutukan ang training ng kanilang koponan.

“I believe the Philippine underwater hockey team will do very well at the SEA Games. I am personally hoping to get four gold medals out of the four events. Of course, this cannot be guaranteed, but our athletes are training very hard for this goal,” sabi ni Valdes.

Ang underwater hockey, na kilala rin sa tawag na Octopush, ay isang sport kung saan ang dalawang koponan ay magtutulak ng pitsa sa ilalim ng swimming pool gamit ang isang hockey stick patungo sa goal ng kalabang koponan.

Apat na gintong medalya ang nakataya sa men’s 4×4, men’s 6×6 women’s 4×4 at women’s 6×6 competition categories na nakatakda sa Disyembre 2 at 3 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

“On our SEAG journey last December, I told the prospective athletes that I want one year of their lives. This has not been an exaggeration. All have sacrificed an enormous amount of time this year. They have had to ask their families for understanding, their bosses at work for support, and most importantly, their own selves for the drive and capacity to keep training for an entire year just to peak during the week of SEAG,” dagdag pa ni Valdes.

Aasahan para sa men’s team si Topz Policarpo habang ang women’s team ay pamumunuan ni Nadj Buenafe.

Aminado si Valdes na ang Singapore ang magiging pinakamatinding katunggali ng Pilipinas habang ang Malaysia at Indonesia ay magiging palaban din.

Ang underwater hockey events ay gaganapin sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite sa Disyembre 2 hanggang 5.

Read more...