NAAKSIDENTE ang isa sa mga manlalaro ng Pilipinas sa Polo Sport na lalaban sa parating na Southeast Asian Games habang nagpa-practice sa Argentina.
Dalawang araw na hindi nakalakad si 1Pacman Rep. Mikee Romero matapos na tumilapon mula sa sinasakyan nitong kabayo.
“The accident was quite serious. I couldn’t walk for two days. I rolled twice in the air and four times on the ground. My horse hit my side, too. Luckily, hindi ako natapakan. My back and hips were hit hard. When I got up, I couldn’t walk straight. My PT worked me up every day but it was still painful. I have to take an X-Ray in Manila,” ani Romero. “Eventually, my therapist worked a miracle.”
Nanawagan naman ng panalangin sina House Deputy Speaker Conrad Estrella III at House Deputy Minority Leader Bonito Singson para sa agarang paggaling ni Romero.
Sinabi naman ni Romero na makapaglalaro siya sa SEAG na gagawin sa Miguel Romero and Inigo Zobel fields sa Calatagan, Batangas. Magsisimula ito sa Nobyembre 24 at makakalaban ng Philippine team ang Brunei, Indonesia at Malaysia.
“Regardless of the X-ray findings, Even if I can’t walk, I’m playing in the SEA Games. It’s my first SEA Games and probably my last,” dagdag pa ni Romero na team captain ng koponan.
Dalawang linggo ang pagsasanay ng Polo team sa Argentina.