SA Linggo posibleng mag-landfall ang bagyong Ramon sa Isabela-Cagayan area.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration napanatili ang ika-18 bagyo ng bansa ngayong taon ang lakas nito.
Umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis ng bagyo at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras at umuusad pa-hilaga-hilagang kanluran.
Ngayong umaga (Huwebes) ito ay nasa layong 290 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Bukas ng umaga (Biyernes) ito ay inaasahang nasa layong 285 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.
MOST READ
LATEST STORIES