VP Robredo hindi pa rin kabilang sa regular na dadalo sa pulong ng Gabinete

SINABI ng Palasyo na hindi pa rin kabilang si Vice President Leni Robredo sa mga regular na dadalo sa pulong ng Gabinete sa Malacanang.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na iimbitahan lamang si Robredo kung kabilang ang isyu ng droga sa mga tatalakayin sa pulong sa Malacanang. 

“Kung hindi ka naman kasama doon sa agenda, mas masaya siguro kung hindi ka na a-attend. Kaya that’s why I said you should be thankful, pupunta ka lang kung ano mo… topic mo,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na mismong si Pangulong Duterte ang mag-iimbita kay Robredo kung kailangan niyang dumalo.

“Wala pa. Hindi ba sabi ni Presidente, ‘I’ll invite her myself,” ayon pa kay Panelo.

Ipinaliwanag pa ni Panelo na maaari namang magkomento si Robredo sa mga isyung tinatalakay sa Gabinete.

It doesn’t mean naman you are not in the Cabinet meeting, you cannot comment. Because there is a transcript for that and that is given to all members of the Cabinet. So, if you feel like commenting on any topic, you can do that,” ayon pa kay Panelo.

Itinalaga ni Duterte si Robredo bilang drug czar.

 

Read more...