May happy ending ba sa ‘Wagas’ ng JakBie?


SA huling dalawang araw ng Wagas: Wait Lang…Is this Love?, matatapos na ba ang paghihintay nina Yummy (Barbie Forteza) at Eugene (Jak Roberto) para sa tunay na pag-ibig at malalaman na ba nila ang tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa o hahadlangan pa rin sila nina Sandie (Ashley Ortega) at Cedrick (Kristoffer Martin)?

Beast mode na si Sandie dahil sa nalaman niya—ang kunwaring pag-ibig ni Cedrick kay Yummy, totoo na pala. At para gumanti, ibubunyag ni Sandie ang lahat sa mga Bubuyog: ang plano na ma-in-love si Yummy kay Cedrick para pabagsakin ang Walang Kapares at ang mastermind ng lahat ng ito ay si Rex (Rey PJ Abellana).

Kaya naman devastated ang mga Bubuyog sa malalaman nila. Niloko lang pala sila ng mag-tiyo! May disaster na naman sa Walang Kapares. Isang customer ang diumano’y may nakuhang ipis sa inorder niya na pares. Hindi kaya isa na naman ito sa maitim na plano ni Sandie laban sa mga Bubuyog?

Hindi pa dyan matatapos ang kamalasan dahil isang gabi, masusunog ang paresan! Mapapahamak pa si Yummy dahil sa kagustuhan niya na iligtas ang picture ng kanyang ina na si Leticia. Paano na ang mga Bubuyog? Wala na nga bang happy ending?

Mukhang hindi pa naubos ang swerte nila dahil isang international chef, si Rosemary Bay, ang magiging daan para makapagsimula ulit. Napili si Yummy na bigyan ng scholarship grant at financial assistance dahil sa angking galing niya sa pagluluto.

Sa lahat ng ito, to the rescue si Eugene para kay Yummy. May pag-asa na ba ang pag-ibig ni Eugene kay Yummy? Tutukan lahat ‘yan sa nalalapit na pagtatapos ng Wagas: Wait Lang…Is this Love? bago mag-Eat Bulaga sa GMA.

Read more...