NAPAKA-PROFESSIONAL talaga ni Asia’s Songbird Regine Velasquez. Todo pa rin ang suportang ibinigay niya sa opening night ng 15th Cinema One Originals Film Festival despite the fact na nangingitim at kumikirot pa ang kanyang ilong due to a minor accident.
Kinumusta namin si Regine sa red carpet ng opening night ng 2019 Cinema One Originals na ginanap sa Ayala Mall Manila By Bay, Pasay City last Thursday kung saan tampok ang pelikulang “The Lighthouse” na pinagbibidahan nina Willem Dafoe at Robert Pattinson.
“Nandiyan pa rin siya (sabay turo sa nangingitim na ilong),” ani Regine tungkol sa sinapit na aksidente.
“Tinakpan ko na lang ng concealer.”
Wala naman daw kailangang gawin na treatment sa kanyang nadisgrasyang ilong, “Walang major surgery or anything na kailangang gawin. Hihintayin mo lang gumaling,” aniya pa.
Present si Regine sa opening night ng Cinema One Originals para sa entry niyang “Yours Truly, Shirley”, “I’m excited and I’m also very proud sa movie namin. And, I feel very excited that I’m part of this event.”
Ang “Yours Truly, Shirley” ang kauna-unahang pelikula ni Regine sa Cinema One Originals and her first after six years of absence sa big screen.
Dahil in competition ang movie ni Regine sa festival, marami ang nagru-root for her to win the Best Actress award, “Ay, alam mo, never naman akong nag-iisip na…basta I have a good movie. Kung manalo then, you know, it’s great. Pero kung hindi, I’m okey. Walang expectations.”
Kinuha naman namin ang reaksyon ni Regine sa balitang unang inalok kay Megastar Sharon Cuneta ang role niya sa “Yours Truly, Shirley,” “Hindi ko alam na inalok sa kanya. I’m not sure. Pero kung inalok sa kanya it’s okey. It was offered to me and I accepted it,” pahayag niya.
Speaking of “The Lighthouse,” ang husay-husay pareho nina Willem at Robert sa pelikula. After ng “Twillight” films ni Robert, he has proven his worth as an actor sa “The Lighthouse.”
Hats-off talaga kami sa film choice ng Cinema One Orihinals head na si Ronald Arguelles sa pagpili ng international film na ipalalabas nila para sa opening night para sa one of the most prestigious na independent film festivals sa bansa.
Last year, ang bonggang first team-up nina Bradley Cooper at Lady Gaga na “A Star is Born” ang ipinalabas sa opening night ng Cinema One Originals na talagang lumikha ng ingay sa film industry.
The 15th Cinema One Originals will run until Nove. 17 at Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway and Powerplant Makati.