Audition para sa ‘Malvar’ ni Pacman blockbuster

IMELDA PAPIN AT JOSE MALVAR VILLEGAS

“BLOCKBUSTER” ang ginanap na casting call para sa historical action- drama film na “Malvar” na pagbibidahan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Ito ang pagsasapelikula ng maaksyon at makulay na life story ng bayaning si Gen. Miguel Malvar, ang Supreme Commander ng Filipino forces noong 1899-1902 Phil-Am War, mula sa produksyon ng JMV Film Production at Dreamwings.

Mahigit 1,000 aplikante ang nag-audition para sa iba’t ibang mahahalagang karakter sa pelikula na ginanap sa Mowelfund Building sa Quezon City.

Nagkaroon din ng production meeting ang ilan sa mga involved sa pagbuo ng nasabing pelikula kabilang na sina Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin (line producer) at Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., (executive producer) ng JMV Film Production.

Ayon kay Atty. Villegas, apo ni Gen. Malvar, dumalo rin sa casting call para sa “Malvar” ang mga descendants ng Visayan Heroes sa pangunguna ni Ma. Cristita Diaz Chong, granddaughter of Visayan Revolutionary Hero Gen. Julio Diaz at Kate Brios, board director ng MTRCB.

Read more...