Hiling ng fans: Pagsamahin sina Alden at Dingdong sa pelikula!

DINGDONG DANTES AT ALDEN RICHARDS

Trending at talagang inabangan ng mga Kapuso viewers ang nakaraang episode ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes last Sunday.

Sa katunayan, hindi pa ito nagsisimulang umere sa GMA ay agad na itong nag-trend sa social media. E, kasi nga, for the first time ay nakasama ni Dingdong sa programa ang Asia’s Multimedia Star at bida sa Kapuso series na The Gift – si Alden Richards.

Sumama ang Pambansang Bae sa adventure ni Dingdong at kumasa pa sa bagong challenge na ibinigay sa kanya. Dito rin ikinuwento ni Alden ang tungkol sa kanyang favorite travel destinations.

At habang papunta sa isang isla, hinamon nga ni Dingdong si Alden na subukang paandarin ang lantsa na gamit nila habang nililibot ang karagatan ng Subic. At in fairness, nagtagumpay naman ang Kapuso heartthrob sa pagmamaneho ng speedboat o motorboat.

Pinusuan at ni-like naman ng libu-libong netizens ang adventure nina Alden at Dingdong kasabay ng request sa GMA 7 na sana’y pagsamahin naman sila sa isang pasabog na project kung saan mas maipakikita pa nila ang kanilang galing bilang mga award-winning actors.

Narito ang ilan sa mga comments ng kanilang mga fans.

Sey ni @lencastellano_, “Thanks po sa pagshare sa amin ng pandesal. Paps, @aldenrichards02 grebe nemen yeng pedesel. Labyu! Great interview with Dingdong!”

Sabi naman ni @lala_23_aznica, “Sana magka chance na mgkatrabaho kayo sa isang show or a movie. GMA wish namin na makaisip kayo ng magandang project para sa kanila next year kahit movie muna.”

Ayon kay @kielmartin07, “Ang lakas maka Call Me By Your Name ng pics. Sana me movie kayo na ganun ang theme. Action drama ang peg. Both challenging for the both of you.”

“Wow ang 2 na pinaka guapo sa kapuso, ang 2 pinaka mabait at matulungin pinaka magaling lahat ng pinaka!” komento naman ni @essiegracecipriano.

Samantala, sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng The Gift sa GMA Telebabad after Beautiful Justice, mas pahihirapan pa si Sep (Alden) dahil sa mga bagong pagsubok na kanyang haharapin.

Siya kasi ang sisisihin at madidiin sa pagkamatay ni Faith (This Thomalla) na ikatutuwa naman ng kontrabidang si Jared (Martin del Rosario) na siyang tunay na killer. Pero gagawin nina Strawberry (Jo Berry) at Lola Char (Elizabeth Oropesa) ang lahat para patunayang walang kasalanan si Sep.

Read more...