Arjo araw-araw nai-in love kay Maine: Very loving and caring…

ARAW-ARAW ay nai-in love ang award-winning actor na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Ayon sa binata, hindi lang mabait at down to earth ang Phenemonal Star, “very loving and caring” pa raw ito kaya habang tumatagal ay mas tumitibay pa ang kanilang relasyon. “I fall in love with her every day, that’s it,” ang pahayag ni Arjo.

Very open na ang dalawa sa kanilang relationship, wala na silang itinatago sa madlang pipol at mukhang tanggap na tanggap na rin naman sila ng kanilang fans, pati na ang ilang AlDub fans na masaya na rin sa personal life nina Maine at Alden Richards.

Samantala, hindi lang ang pag-arte ang pagtutuunan ng pansin ni Arjo sa mga susunod na buwan, lalo na sa pagpasok ng 2020. Balak din niyang mag-produce ng pelikula, in fact nakatakda na ang gagawin nilang big announcement next year.

Isa sa magiging bida sa unang pelikula na ipo-produce niya ay ang award-winning veteran actress na si Nova Villa,

“We’ll be starting soon, and it’s a birthday gift to myself. I want to get behind the camera talaga eventually. I think our generation slowly take over so we’re gonna produce now under my production, announcement soon.”

Sa pagtanggap naman ng kontrabida roles, inamin ni Arjo na kailangang mabasa muna niya ang script bago niya ito tanggapin, “Siguro po ‘yung pagiging kontrabida right now, pipili na ako, sabi ko nga po sa ABS-CBN management, gusto ko ng pumili ng kontrabida roles kasi naapektuhan din naman ako, psychologically.

“Right now, gusto ko ako po may say at saka gusto ko po iba-iba, siguro similar pero it has to be different talaga,” sey ng binata.

Tungkol naman sa season 2 ng iWant digital series na Bagman, makakasama niya rito si Carlo Aquino na naging leading man naman ng girlfriend niya si Maine sa “Isa Pa With Feelings.” Sa nakaraang presscon ng Bagman 2, natanong si Arjo kung ano ang masasabi niya sa chemistry ng dalawa sa pelikula.

“More proud. We’re proud of each other. I’m very proud of her also and that’s one of her best performances. I’m really happy for her,” sagot ng anak ni Sylvia Sanchez.

Read more...