Para sa may kaarawan ngayon: Inuutusan ka ng langit na magsuot ng kulay na pula. Sapagkat sinasabing, magiging maligaya ang birthday mong ito sa kulay na pula. Sa lovelife, hindi makatatanggi ang minamahal kapag naka-red ka na underwear. Sa pinansiyal at kadatungan, ang kulay ding pula ang aakit ng mas marami pang material na bagay. Markahan ang 3, 6, 27, 33, 42 at 47. Bukod sa red buenas ang pink. Swerte ang initial na W. at Y.

Aries – (Marso 21-April 19)—Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng salapi. Sa lovelife, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Markahan ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Lilac at blue ang buenas. Swerte ang initial na M. at O.

Taurus – (April 20-May 20)—Ngayong pa lang paghandaan na ang kapaskuhan. “Operation Malawakang Paglilinis” ang dapat na ipatupad. Sa lovelife, kapag malinis na malinis na ang paligid puwede na uling mag-pahinga at magpamasahe sa minamahal. Markahan ang 7, 9, 19, 24, 39, at 45. White at pink ang buenas. Swerte ang initial na U. at D.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansyal ngayon pa lang mag-isip ka na ng dagdag na pagkakakitaan na ilulunsad sa panahon ng kapaskuhan. Sa lovelife, bagong istilo ng romansa ang kailangang matuklasan, upang muling sumigla ang pagmamahalan. Wag masyadong magpaganda, tinutubuan na naman ng selos ang kasuyo. Markahan ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Orange at violet ang buenas. Swerte ang initial na M. at N.
Cancer – (June 22- July 22)— Isang nilalang nasa abroad ang magkakatulong sa prolemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa lovelife, tandaang walang malayo at malapit sa mga pusong nagmamahalan. Markahan ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Green at red ang buenas. Swerte ang initial na R. at G.

Leo – (July 23 – August 22)—May darating na bagong pagkakakitaan. ‘Wag ng magdalawang isip, sunggab agad. Ito ang araw na kakasyahan at bibigyan ka ng maraming mga biyaya ng langit. Sa lovelife, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mapag-init. Yayain ang kasuyo sa isang lugar na malamig ang paligid. Markahan ang 1, 19, 28, 34, 45, at 49. Silver at lilac ang buenas. Swerte ang initial na L. at M.

Virgo – (August 23 – September 22)—Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings, bago gumasta. Sa lovelfife, yayain ang kasuyo na mag-bukas kayo ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Markahan ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Blue at silver ang buenas. Swerte ang initial na T. at M.

Libra – (September 23-October 23)—Mga hindi inaasahang pangyayari ang magaganap patungo sa pag-unlad. Isang miyembro ng pamilya ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa lovelife, ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong mabuti at magpalit ng underwear! Markahan ang 3, 18, 24, 27, 33, at 46. Red at purple ang buenas. Swerte ang initial na I. at O.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagiging makunat ang sikreto ng pagyaman, kundi ang pagiging mabait! Sa lovelife, ‘wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Markahan ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Gold at blue ang buenas. Swerte ang initial na D. at L.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag magpa-abala sa lipuna, sa halip, magpatuloy ka lang ng magpatuloy upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Sa lovelife, anoman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw – sa bandang huli may kaligayahang naghihintay. Markahan ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Beige at white ang buenas. Swerte ang initial na S. at K.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Habang nagsisikap tuloy-tuloy na madodoble at lalago ang kabuhayan. Sa lovelife, ipagpatuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang may kayumangging kulay ng balat. Markahan ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Blue at lilac ang buenas. Swerte ang initial na A. at D.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag kimkimin ang sama ng loob. Kapag itinago ang galit, bigla din yang sasabog na makaka-apekto sa iyong negosyo at career. Sa lovelife, dagdag na romansa ang dapat sa halip na magalit sa kasuyong magulo. Markahan ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45. Orange at beige ang buenas. Swerte ang initial na B. at H.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tama ang iniisip mong lumayo muna sa lipunan. Gastos lang ang mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmickan. Sa lovelife, imbis na makipag-sosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal at sa pamilya. Markahan ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Lilac at beige ang buenas. Swerte ang initial na A. at M.

Read more...