INIHAYAG ng Palasyo na nagdesisyon si Pangulong Duterte na mag-leave ng tatlong araw simula bukas para makapagpahinga.
Sa isang briefing, itinanggi naman ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isasailalim sa pagsusuri si Duterte kayat magbabakasyon.
“Bukas, ang start ang kanyang pahinga,” sabi ni Panelo. “Alam mo, ang napapansin ko kay Presidente, as I told him, every time you have eight hours sleep ang ganda ng itsura mo eh. Palagay ko iyon lang ang kulang niya eh – palagi siyang kulang ng tulog.”
Ayon pa kay Panelo, mananatili lamang si Duterte sa Davao sa tatlong araw na pahinga.
Magiging caretaker naman si Executive Secretary Salvador Medialdea, ayon pa kay Panelo.
MOST READ
LATEST STORIES