7 dahilan bakit dapat uminom ng lemon water

1. Mahusay na pang-hydration

Mahalagang uminom ng 10 hanggang 12 baso ng tubig kada araw para manatiling hydrated. Pero kung minsan may mga tao na ayaw uminom ng tubig dahil sa natatabangan sila.

Kaya ang pagdagdag ng lemon (isa o dalawang hiwa ng lemon sa isang litro ng tubig) ay mainam para mas higit na maengganyo ang pag-inom ng tubig.

2. Good source ng Vitamin C

Ang mga citrus fruits gaya na lemon ay mayaman sa bitamina C, isang pangunahin antioxidant na tumutulong para proteksyunan ang katawan mula sa free radicals.

Sinasabing ang vitamin C ay nakatutulong para labanan ang sipon bukod pa sa makatutulong ito para mabawasan ang risk na magkaroon ng cardiovascular disease, stroke at nakapagpapababa rin ng blood pressure.

3. Nakatutulong sa pagbaba ng timbang

Ayon sa isang pag-aaral, ang polyphenol antioxidants na natatagpuan sa lemon ay nakatulong sa hindi pagtaas ng timbang ng mga daga na pinakain ng marami para maging obese.

Sa ginawang pag-aaral, ang antioxidant compounds ang nag-offset ng negative effect sa blood glucose levels at siyang nag-improve ng insulin resistance, na siyang main factors sa pagdevelop ng type 2 diabetes.

Bagamat, hindi pa napatutunayan ito sa mga tao, marami ang naniniwala na ang lemon water ay makatutulong para sa weight loss at panlaban sa mataas na blood sugar level.

4. Nagpapaganda ng balat

Ang vitamin C na matatagpuan sa lemon ay nakatutulong para mabawasan ang pagkulubot at pagkatuyo ng balat dulot ng pagtanda at damage dala ng araw.

Sa isang pag-aaral noong 2016 sa mga daga, nabawasan ang pagkulubot ng mga balat ng mga sinuring hairless mice.

5. Malaking tulong para sa digestion

Para sa ibang tao, nagsisilbing laxative ang pag-inom ng lemon water kada umaga.

Ang pag-inom ng mainit o maligamgam na lemon water ay nakatutulong sa iyong digestive movement.

Ayon sa Ayurvedic medicine, ang maasim na lasa ng lemon ang siyang nagi-stimulate ng iyong “agni”.

Ayon pa sa ayurvedic medicine, ang isang malakas na agni ay nakatutulong para mag digest na mabilis ang iyong pagkain at iniiiwas nito ang pag-buildup ng toxin sa katawan.

6. Nakababango ng hininga

Mabango ang amoy ng lemon, at minsan ginagamit itong pangtanggal sa mababahong amoy sa kusina.

Kaya pwedeng-pwede rin itong pangtanggal ng bad breath dulot ng pagkain ng may matatapang na amoy gaya ng bawang, sibuyas at isda.

7. Pang-iwas sa kidney stone

Ang citric acid sa lemon ay pang-iwas sa kidney stone. Ang citrate, isang component ng citric acid, ay nakababawas sa pagiging acidic ng ihi ng isang tao, at siyang sumisira sa mga small stone.

Naipa-flush out ng lemon water ang mga bato na nagbi-build up sa loob ng katawan.

Read more...