Angelica nagreklamo sa ASAP; naalarma sa fans na bumili ng ticket sa ‘Rome concert’

INIREKLAMO ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang produksyon ng ASAP Natin ‘To matapos kumalat ang balita na kasama siya sa mga Kapamilya stars na magpe-perform sa Rome.

Ayon sa dalaga, maraming fans and followers niya sa social media ang nagsabing excited silang makita na siya nang personal sa Rome, Italy kasama ang iba pang artists ng ABS-CBN para sa nasabing ASAP show next week.

Unang nalaman ni Ange-lica ang tungkol dito nang sabihan siya ng isa niyang Instagram follower na inaabangan na siya ng kanilang grupo sa magaganap na “ASAP Natin ‘To Rome.

Galing pa raw sila sa Belgium at bibiyahe nga patungong Rome para makapanood lang ng ASAP. Sabi ng netizen sa kanyang post, “Sana Miss Angelica sa show niyo sa asap tong nov 16 ay makalapit kami sayo at makapagpa pic sayo ng maayos. napakasaya namin.

“Kasi galing pa kami belgium at inaabangan itong asap namin. na may rome italy ilan days na. sana alam ko hirap makalapit segro sa inyo.pero hope. (heart and laughing with tears emojis),” mensahe pa ng OFW.

Bukod dito, nag-comment pa ang mga IG followers ni Angelica na ipinakikita raw siya sa teasers ng ASAP Natin ‘To Rome sa TFC (The Fi-lipino Channel) kasama ang iba pang Kapamilya perfor-mers.

May nagsabi pa nga na kaya lang sila bumili ng ticket para sa nasabing show ay dahil nakita siya sa mga commercial.

Dahil nga rito, agad nilinaw ni Angelica na hindi siya kasali sa magaganap na ASAP show sa Rome. Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng bumili ng ticket nang dahil sa kanya.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nag-post uli ang dalaga sa IG ng mensahe para linawin ang issue. Itinag pa niya ang Instagram account ng ASAP sa kanyang tanong na, “Bakit hindi sila na inform?”

“@asapofficial meron din po akong supporters…. at iba po sa kanila bibyahe pa…matagal niyo ng alam na wala ako sa asap rome. Bakit hindi kayo nag announce? (Sorry for ta-king it on social media, hindi ko din to na expect),” paglilinaw pa ni Angelica.

Inakala rin ng mga fans ng aktres na kasama siya talaga sa ASAP concert sa Rome dahil sa mga litrato niya sa IG na kuha habang agbabakasyon sa Europe. Doon kasi nag-celebrate ng kanyang 33rd birthday ang dalaga last Nov. 4.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang official statement ang ASAP sa reklamo ni Angelica. Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng produksyon.

Pero sa isang news article na galing sa ABS-CBN kung saan nakalista ang mga Kapamilya stars na kasama sa ASAP Natin ‘To Rome ay hindi kasali ang pangalan ni Angelica.

Read more...