Magsikap, kumayod ka

Sulat mula kay Gia ng Hadji Mohammad
Ajul, Basilan
Dear Sir Greenfield,
Simula nang mag-asawa ako, hindi na ako nakatikim ng ginhawa sa buhay.  Mabuti pa noong dalaga pa ako sa piling ng aking mga magulang.  Maganda ang buhay ko, pero ngayon masasabi kong naghihirap na talaga kami. Naglulugaw na nga kami.  Hindi na nagkakasya sa amin ang kinikita ng asawa ko.  Maliit lang kasi ang kinikita niya sa bukid. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Anim ang aming mga anak.  Sana mabigyan mo kami ng paraan kung paano makaaahon sa hirap alang-alang man lang sa aming mga anak.
Umaasa,
Gia ng Hadji Mohammad Ajul, Basilan
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Ace of  Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing wala sa mister mo ang pag-asa upang makaahon kayo sa hirap, kundi na sa sarili mong pagsisikap.
Palmistry:
Kung sa bukid lang ang kayod ng mister mo, malabo nga kayong makaahon sa hirap, isipin pang hindi ka naman nagta-trabaho upang makatulong man lang sa kanya. Samantala, kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ang isang mabisang formula upang makaahon ang iyong pamilya sa hirap ay mag-abroad ka! Sa ganyang paraan makakakita ng bagong liwanag at pag-asa ang inyong pamilya.
Itutuloy….

Read more...