Para sa may kaarawan ngayon: Malapit na ang pasko at kasabay ng nalalapit na pasko lalapit na rin ang sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran. May isang kundisyon lang na hinihingi, sa sandaling lumapit ang suwerte at magandang kapalaran, ipamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga kapos-palad. Kapag ganyan ka, lalong darami ang iyong suwerte at magagandang kapalaran ngayong pasko at sa taong 2019. Markahan ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Green at yellow ang buenas. Swerte ang initial na A. at S.

Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo mahahawa ka lang sa kanila. Sa mga masayahin ka sumama, upang sumaya din ang buhay mo. Sa lovelife, piliin ang isang nilalang na kayumanggi at medyo kulot ang buhok, sa kanya ka makasumpong ng true love. Markahan ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Red at blues ang buenas. Swerte ang initial na R. at D.
Taurus – (April 20-May 20)— Upang umunlad, nagpapakasipag ang iba at humihingi ng tulong kung kanikanino. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit wala kang hingan ng tulong uunlad ka, dahil ang nasa itaas ang tutulong sa iyo. Mula ngayon, ang suwerte at magandang kapalaran ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Markahan ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49Gray at silver ang buenas. Swerte ang initial na B. at O.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa lovelife tuloy-tuloy na magiging maligaya ang pakikipag-relasyon sa isang kaibigang dati ng minahal. Sa pinansyal at kadatungan, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung madalian lang ang benta ng iyong kalakal, kahit na maliit ang tubo pero ang dapat ay mabili at mabenta naman. Markahan ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Violet at maroon ang buenas na kulay. Swerte ang initial na E. at S.
Cancer – (June 22- July 22)— Wag katamaran ang kasauluyang ginagawa. Doblehin mo pang lalo ang pagsisipag upang madoble din ang suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife, limutin na ang nakarang kalungkutan, upang magkaroon ng bagong ligaya ngayon. Markahan ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Green at purple ang buenas. Swerte ang initial na L. at O.
Leo – (July 23 – August 22)—Nakahanda na ang iyong gantimpala basta’t ituloy mo lang ang dati ng mga ginagawa mong kabutihan. Pinapanoog ka ng langit, kaya’t anuman ang hilingin mo sa buhay ngayong nalalapit na ang kapaskuhan ang lahat ng ito ay ipagkakaloob sa iyo ng liglig, siksik at umaapaw. Markahan ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Orange at beige ang buenas. Swerte ang initial na A. at M.

Virgo – (August 23 – September 22)— Upang maging lubos ang ligaya moderasyon ang dapat. Wag ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa lovelife, hinay-hinay lang sa romansa, ilaan ang libido sa malamig na Disyembre. Markahan ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Yellow at lilac ang buenas. Swerte ang initial na P. at R.

Libra – (September 23-October 23)—Mag hanap ng mga taong magaganda at simpatiko. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa lovelife kung sa isang maganda o sa isang guwapong nilalang ka makikipag-relasyon, mas masarap na pag-ibig ang makakamit. Markahan ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Red at pink ang buenas. Swerte ang initial na U. at B.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Maging kampante at ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa lovelife, ikaw na naman ang susundin ng iyong kasuyo, dahil natatakot siyang umangal at mag sungit ka. Markahan ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Blue at pink ang buenas. Swerte ang initial na L. at E.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tama ang ginagawa mong paglilibang at pamimili. Sapagkat habang masaya ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong buhay. Markahan ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Yellow at green ang buenas. Swerte ang initial na R. at T.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Kung lalayo ka sa sinilangang bayan siguradong ikaw ay yayaman. Sa lovelife, tapang ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi – ayain siya sa isang pridabong silid. Markahan ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Maroon at purple ang buenas. Swerte ang initial na H. at J.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay sa ngayon? Inuutusan ka ng langit na kalimutan na ang kahapon at mag bagong buhay ka ngayon. Sa bagong career at bagong pag-ibig, habang buhay ka ng liligaya. Markahan ang 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Violet at blue ang buenas. Swerte ang initial na P. at A.

Pisces – (February 19 – March 20)— Pag iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad at lumigaya. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng “isang libong-piso” kada buwan. Pagdumami na yan, lalo kang gaganahang mag-savings. Sa lovelife, kapag marami ka ng pera, hindi lang ikaw at ang kapareha mo ang magiging maligaya, kundi ang buong pamilya. Markahan ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na I. at M.

Read more...