Bashers kay Kisses: Hindi siya kawalan sa ABS-CBN


INIWAN na ni Kisses Delavin ang Star Magic and signed up with Triple A management.

Now, Kisses is with the same manager na with Marian Rivera and Maine Mendoza.

As usual, Kisses was bashed after her signing up with another management company. Talk about utang na loob. Kaliwa’t kanang patutsada ang ibinato sa dalaga.

“Okey lang hindi naman sya kawalan sa abs cbn. Hindi naman sya magaling at ang daming arte feeling sikat.”

“Naku Kisses hindi ka pa masyadong hinog tapos lumipat kana agad. You will fade away in an instant. Aw heheh.”

“Sana mag improve ang acting nya. Medyo bano kasi e.”

“Matalino mayaman pero walang talent…marami naman mas lamang sa kanya.”

“Hindi siya kawalan ang daming magagaling na mga batang artista sa ABS. Good luck sa career niya.”

q q q

Hindi priority ni JC de Vera ang magkaroon ng second baby.

“Maraming nangyayari ngayon sa bansa natin. Siyempre, ‘yung pagiging artista ay kinukuha talaga ang oras namin so ayokong pumasok sa isang bagay uli like magkaroon ng second child hanggang hindi stable ang oras ko.

“Kasi ngayon talaga ay naka-budget ang oras ko para sa trabaho at para sa pamilya,” paliwanag ni JC sa presscon ng iWant Originals movie na “Barbara Reimagined” na base sa psychological horror movie “Patayin Sa Sindak Si Barbara” na pinagbidahan ni Susan Roces.

“Maraming responsibilities before na mommy lang ang nakakagawa. This time, since tumanda na ‘yung baby ko (Lana Athena), toddler na siya, mayroon nang naipasang responsibilities sa akin like puwede na akong magpaligo, magbihis. Puwede na siyang maiwan sa akin.

“Kung mayroon akong sariling lakad ay puwede ko na siyang isama. Before kasi ay naka-stuck lang ‘yan sa mommy kasi siyempre kailangan ang breastfeeding. This time, puwedeng ako na ang magpatulog,” dagdag pa ng actor na leading man nina Natalie Hart at Mariel de Leon sa nasabing movie.

Read more...