Morissette Amon bad trip nga ba kay Mario Dumaual ng TV Patrol?

HABANG sinusulat namin ang column na ito ay hindi pa rin nagsasalita si Morissette Amon tungkol sa pagba-backout niya sa birthday concert ng talent ni Kuya Jobert Sucaldito na si Kiel Alo sa Music Museum last Wednesday night.

Naglabas na ng kanyang sama ng loob ang talent manager kay Morissette na alaga naman ni David Cosico. Isa ang singer sa special guests ni Kiel for his concert along with Eva Eugenio, Jun Polistico, Carlo Mendoza, Kyle Matthew Manalo, Orville, the MK University Models and the famous Holograms, and Janno Gibbs.

In fairness to Morisette, maaga pa lang ay nasa Music Museum na siya at nakapag-rehearse pa nga para sa performance niya sa “Ako Naman” concert ni Kiel.

Sa sobrang lungkot at disappointment, di napigilan ni Kuya Jobert ang maiyak habang idinidetalye ang mga pangyayari na nag-ugat sa interbyu ni Mario Dumaual ng TV Patrol kina Morissette at Kiel before the concert. And during the interview, kinumusta ni Mario si Morissette tungkol sa relasyon nila ng Dad niya.

Ayon sa kwento ni Kuya Jobert, nasa ‘di kalayuan lang siya nina Morissette and Kiel kaya naririnig niya ang interbyu ni Mario. Sumasagot naman daw si Morissette sa mga tanong about her Dad. Kaya natapos ang intebryu na okey naman.

After that, habang nagpi-prepare na si Kuya Jobs para sa mga backstage preparations and all, may naririnig siya na maingay na sound from the other door na katabi lang ng room niya.

Then, he found out na inuumpog na ni Morissette ang kanyang ulo sa dingding. The reason daw why Morissette was “making umpog her ulo on the wall” ay dahil feeling niya she was attacked sa ginawang interbyu ni Mario.

Nu’ng malaman ni Kuya Jobert ‘yun, nakaramdam siya ng guilt dahil feeling niya he’s responsible, “Ako, ayokong masira si Morissette. But I hope, she knows what she’s doing. Lumabas siya, nagtatatakbo siya. Nakasimangot. Masama ang loob niya.

“Kung masama ang loob niya sa akin, sasabihin ko sa kanya, ‘F**ck her.’ Kasi parang, I don’t know if I’m to blame because I pulled her up because Tito Mario was here to say hello at pinakausap ko sila ni Kiel.

“Ayokong isipin that I am part of the scene. Mahal ko ‘yan, e,” kasunod ang biglang pagluha ni Kuya Jobert dahil sa matinding emosyon. “Pero, show ng anak ko ‘to, e,” kasunod ang ‘di magagandang salita for Mori.

“Kung may problema ka, lahat naman tayo dumadaan sa problema. I’m trying to be in control because ayokong sabihin nila that I was so affected. But I am the producer. Ano’ng sasabihin ng mga tao sa akin, niloko ko sila? Ginamit ko ang pangalan ni Morissette dahil akala ko may tao.

“Itinawid ko lang ‘to para may show lang ang alaga ko for his birthday. And I was so very happy when Morissette said yes. Tapos ginanyan ninyo ako,” tuloy-tuloy na pahayag ni Kuya Jobert.

Hindi na raw iginalang ni Mori ang mga veteran artists na kasama sa show gaya nina Eva at Jun pati na ang batikang musical director ng concert na si Butch Miraflor, and most of all, ang dahilan ng concert in celebration of his brithday na si Kiel.

“Tagal-tagal ko sa industryang ‘to. I’ve been here for 36 years! Huwag ninyo akong ganyanin. Nagagalit ako kasi ang sakit! Minamahal naman natin sila sincerely. But why are they doing this to us? Do I deserve this,” tanong pa ni Kuya Jobs.

q q q

Isa sa biggest winners ang pelikulang “Babae at Baril” na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez sa katatapos lang na QCinema International Film Festival. The film took home top honors including Best Director for Rae Red, Best Actress for Janine as well as the Gender’s Sensitivity Award.

Napaka-interesting naman kasi ang story at pagkakabuo ng “Babae at Baril” technically. Ang kwento ay umiikot sa isang ‘Babae’ na nagtatrabaho bilang saleslady sa local department store who meekly endures the various daily indignities of being a minimum wage earner.

Mula sa paghihintay sa mahabang pila at hirap sa pagko-commute, panghihiya mula sa overbearing manager, the intrusive body searchers by the company security guard and the abuse by her customers.

Pag-uwi naman sa bahay, dusa rin ang kanyang inaabot mula sa mga lasenggo sa kanilang lugar, her landlord na gusto na siyang palayasin dahil sa ‘di niya pagbabayad ng rent hanggang sa kanyang roommate her roommate who couldn’t care less about her.

Until may makita siya ng loaded gun sa trash. Suddenly, she has the power to fight back, do anything she wants, talk back to whomever she wants, and even hurt anyone she wants.

Read more...