PARANG mahirap isipin na kayang iwan ng isang ina ang kanyang sanggol na isinilang sa abroad.
May mga bansa ka-sing bawal mabuntis ang isang babaeng walang asawa. Di kasi pupwede sa ilang bahagi ng Gitnang Silangan na makitang magkasama ang isang lalaki at babae na hindi naman mag-asawa. Hindi rin pupwede ang live-in doon.
Paano na kapag disgrasyang nabuntis ang mga kababaihang ito? Diyan na papasok ang malaking problema.
Kailangang umalis agad sila sa bansang i-yon, dahil kapag nalaman iyon ng otoridad, tiyak na makukulong sila.
Mayroon namang naitatago ang pagbubuntis at kukutsabahin na lang ang ilang kaibigan o kakilala na tulungan siyang hanapan ng pag iiwanan ng kanyang ipapanganak na sanggol, na kadalasa’y mga mag-asawa.
Kaya naman kapag nailuwal na ang sanggol, pipilitin nilang burahin iyon sa kanilang isipan na para bang walang nangyari at kakalimutan ang lahat.
Maaaring may pa-milya siya sa Pilipinas at wala siyang plano na ipaalam ang kanyang panganganak.
Hindi pala ang totoong walang ina na makatitiis sa anak. Meron din!
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapa-kinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.