HELLO po sa inyo, ateng!
Magandang araw po. Ako po si Mark from Cagayan de Oro City. Magtatanong lang po sana at hopefully ay matulungan ninyo ako.
Itatanong ko lang po kung maibabalik sa dati ang nararamdaman ng misis ko sa akin. Kasi po medyo nagkakalabuan kami ngayon.
Ano po kaya ang mga dapat o kailangan kong gawin para para muling manumbalik ang pagmamahal niya sa akin.
Nahihiraan na po kasi ako kung paano ko pa siya aamuhin muli.
Wala po kasi siya rito sa Pilipinas ngayon at nandoon po siya sa Kuwait at nagtatrabaho.
Meron po kaming dalawang anak at nasa aking pangangalaga ang mga bata.
Sana po ay mapayuhan ninyo ako kung anong dapat gawin dahil ayoko pong mawalay ang misis ko sa akin. Help me po.
Mark
Magandang araw sa iyo, Mark! Thank you for sharing with us your problem.
Napakalaking sakripisyo sa relasyon ang magkahiwalay geographically at talaga namang napakaraming challenges ng LDR o long-distance relationship but it is possible to make it work with dedication and love.
Una ay panatilihin ninyo ang regular na komunikasyon. In this age, na hindi na malabo ang magkausap at magkita kahit araw-araw o oras-oras, walang dahilan para hindi kayo regular na makapag-usap.
Pangalawa ay maging inspirasyon ng iyong misis kahit nasa malayo siya, be understanding, sweet at caring. Make her feel loved.
Maging maayos din sa iyong trabaho upang makita niyang nagsisikap ka (kung ikaw ay makakapag-provide nang maayos sa iyong pamilya, walang dahilan para magtagal siya sa ibang bansa, tama?) at higit sa lahat ay alagaan mong mabuti ang mga anak ninyo.
I’m sure she will respect and appreciate you for it.
Regular mo siyang balitaan sa progress ng mga ito. To be her inspiration, be positive and be her source of strength. Tandaan mo na napakahirap sa ibang bansa at ang mawalay sa mga minamahal. Make her believe in the value of love, sacrifice and hope.