BANDERA Editorial
INAMIN ng National Bureau of Investigation na tatagal pa ang paghahanap sa wanted na si Sen. Panfilo Lacson. Kaya dagdagan ang pasensiya sa mga nais na mahuli siya (puwede namang hulihin agad si Lacson. O baka naman mahirap hulihin si Lacson dahil sikat, mayaman at makapangyarihan ang taong ito, di tulad ni Jayson Ivler na sikat lang?).
Malinaw ma maghihintay pa tayo nang matagal na panahon bago mahuli si Lacson. At kapag nahuli na si Lacson, maghihintay pa rin tayo ng matagal. Kasi nga’y gagawin ng kanyang mga abogado ang lahat ng paraan para mailigtas ang senador at (dating?) bata ni Erap sa paglilitis.
Baka nga makalaya pa at ideklarang inosente si Lacson at isisi sa patay na opisyal ang pangyayari.Dahil para sa dating obispo na si Oscar cruz, ang banal na tao at mas malapit sa Diyos kesa sa ating lahat, si Lacson ay ginigipit lamang sa pagpatay kina Salvador “Bubby” Dacer at Emmanuel Corbito.
BANDERA, 021010
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.