Goodbye sa bagyong Quiel

POSIBLENG lumabas na ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes o Sabado ang bagyong Quiel.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration lalo pang lalakas ang bagyo na umaabot na sa 95 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin at pagbugsong 115 kilometro bawat oras.

Ngayong araw, ito ay nasa layo itong 360 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Bukas ay maaari itong umakyat sa Typhoon category.

Samantala, ang bagyong may international name na Halong ay nasa Typhoon category na kahapon. Umaabot sa 175 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugsong hanggang 215 kilometro bawat oras.

Maliit ang tyansa na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility.

Read more...