NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang Quezon ngayong madaling araw at naramdaman ito sa National Capital Region.
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng mga aftershock.
Naramdaman ang lindol alas-4:52 ng umaga. Ang epicenter nito ay 42 kilometro sa silangan ng Jamalig. May lalim itong pitong kilometro.
Intensity IV ang naramdaman sa Guinayangan, Quezon.
Intensity II naman sa Marikina City; Navotas City; at Quezon City.
Intensity I naman sa Muntinlupa City.
Ang mga instrumento naman ng Phivolcs ay may naitalang Intensity IV sa Guinayangan, Quezon; at Jose Panganiban, Camarines Norte.
Intensity III sa Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez at Mulanay, Quezon.
Intensity II naman sa Marikina City; Malolos City; Gumaca at Dolores, Quezon; Baler, Aurora.
At Intensity I sa Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga. Talisay, Batangas; at Palayan City.