Ate Gay nag-viral: kinopya ang ‘pwet photo’ ni Nadine Lustre


MARAMI ang naaliw nang gayahin ni Ate Gay ang sexy pictorial ni Nadine Lustre na labas ang puwet.

Naging viral ang controversial photo na iyon ni Nadine at ang daming memes na lumabas sa social media.

May mga nanggayang mga bading, lalaki at babae. Talagang patalbugan sila sa pagpapakita ng kanilang butt.

“Nadine Munyo.” ‘Yan ang caption ni Ate Gay sa kanyang photo na halos gayang-gaya si Nadine. Ang daming naaliw sa ginawang iyon ng stand-up comedian.

“Ay iba rin mama!!! Palung-palung-palo!!! Naghuhumiyaw ang kuyuks mamshie!!! Nagkukuminissss!!! Paaaakkkkk!!!!!”

“Napaka talented ng ARTIST na ito, grabe yung mga atake nya sa komedya. Sana mabigyan na ng big break sa tv and movie,, One of the greatest COMEDIAN ARTIST ng Pilipinasm ATE GAY.”

Read more...