Anne umeksena sa ‘Cara X Jagger’ nina Jasmine at Ruru


DUMAGSA ang ilang Kapuso artists sa premiere night ng pelikulang “Cara X Jagger” na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid last Monday sa SM Megamall cinema 1.

Present ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, Sanya Lopez, Andrea Torress at marami pang iba. Nabanggit din ng hosts ng premiere night na nanood din si Bianca Umali para suportahan ang rumored boyfriend niyang si Ruru.

Pagkatapos ng premiere night, biglang may nagpadala ng picture sa isa naming kaibigan na spotted sina Ruru at Bianca sa isang resto o isang undisclosed na lugar, huh!

Anyway, bukod sa pakikipagsabayan ni Ruru ng acting kay Jasmine, biggest surprise sa pelikula ang special appearance ni Anne Curtis, sister ni Jasmine. Of course, inayos naman ni Anne sa kanyang management ang paglabas sa pelikula dahil kapatid naman niya ang bida.

Pero unlike sa cameo ni Anne sa “Unforgettable ni Sarah Geronimo kung saan kumanta siya, iba naman ang paandar niya sa “Cara X Jagger” kasama ang isang Kapuso comedian na nag-guest din sa movie.

Maganda ang kabuuan ng pelikula, maganda ang pagkakadirek ni Ice Idanan. Bukod sa kilig na hatid nina Ruru at Jasmine, nakakaiyak din ang ilan nilang eksena. At uulitin namin, consistent ang galing ni Jasmine bilang drama actress!

Read more...