Baby tinaga ng ina, patay

NASAWI ang 1-anyos na sanggol matapos tagain ng kanyang ina, sa bayan ng Mataas Na Kahoy, Batangas, Martes ng hapon.

Dinala pa ang paslit sa Metro San Jose Medical Center dahil sa mga pinsalang tinamo, ngunit idineklarang patay ng doktor, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa Brgy. 2A, at naiulat sa lokal na pulisya dakong alas-5:20.

Inaresto ng mga rumespondeng pulis ang ina ng bata, na iniimbestigahan ngayon para sa posibleng pagsasampa ng kasong parricide.

Read more...