Gold Squad ng ‘Kadenang Ginto’ nagpakilig sa rap challenge

KYLE ECHARRI, SETH FEDELIN, FRANCINE DIAZ AT ANDREA BRILLANTES

Ang daming pinasaya at pinakilig ng Gold Squad ng Kadenang Ginto na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin at Andrea Brillantes nang mag-guest sila sa Gandang Gabi, Vice.

The four took the rap challenge ni Vice Ganda at talaga namang tuwang-tuwa ang audience sa kanilang rap segment.

“Alam mo Cassie, bagay na bagay ang pangalan mo. Ang ganda-ganda mo kasi,” say ni Kyle na ikinakilig ng fans.

“Napag-uusapan na rin naman ang weather. Kapag ganitong panahon, talagang ako sa iyo’y nagiging sweeter,” sagot ni Francine.

“Nakakatakot kasi baka meron na namang bagyo. Pero mas natakot ako na baka naman ikaw ay lumayo sa akin,” say ni Kyle kay Francine.

“Basta lagi mong tandaan, sa panahon ng unos at ulan, lagi lang akong nandito anytime puwede mong sandalan,” sagot ni Francine. Hiyawan ang mga tao.

Nagpasiklab din si Seth who said this to Andrea, “Miss maganda. Malinaw naman ang mga mata mo pero bakit ako mismo hindi mo makita.”

“Nakita ko siya sa may canteen, sa iba nakatingin,” dagdag ni Seth.

“Noong una kitang nakita, puso ko ay nabihag mo na,” pahabol pa ni Seth.

“Sa tingin mo, madadaan mo ako sa ganda ng mga mata mo? Puwes, gusto kong sabihin sa iyo, hindi ka nagkakamali,” sagot ni Andrea.

Again, hiyawan ang fans sa sobrang kilig.

“Imagine, ang choices, A, B, C, D, pero E-kaw ang pinili ko,” dagdag pa ni Andrea.

Sabog ang audience. Super kilig ang madlang pipol.

Read more...