Nawawala sa wisyo kapag nakainom, GF namumura pa | Bandera

Nawawala sa wisyo kapag nakainom, GF namumura pa

Beth Viaje |November 06,2019
facebook
share this

Nawawala sa wisyo kapag nakainom, GF namumura pa

Beth Viaje - November 06, 2019 - 12:15 AM

HI Ateng!
Hindi ko alam anong gagawin ko. I tried my best naman na hindi na mag-inom.
Actually, kagabi lang ulit ako nakainom dahil sa sobrang bad trip ko sa papa ko.
At pag nakakainom ako, nawawala ako sa wisyo ko.
Naaway ko si GF at namumura nang hindi ko alam.
Pagkagising ko wala akong matandaan. Mahal ko si GF.
Kaya hindi na ko nag-iinom. Kagabi lang ulit pero nasaktan ko na naman siya, hindi physically, ha?
Naisip kong lumayo na lang. Makikipaghiwalay na lang. Hindi niya deserve ang isang katulad ko.
Texter …9421

Hello rin sa iyo texter 9421.
At salamat sa pagdulog mo ng iyong problema sa amin.
I agree with you, hindi niya at ng sinomang babae deserve ang katulad mo na minumura ng BF kapag nalalasing.
Pero, mukhang in love siya sa iyo na kahit ogag ka, sige pa rin siyang nagtitiis na mahalin at pakisamahan ka.
Siguro nga mas mabuting wala ka sa buhay niya. Kung ganun lang sana kadali, hindi ba?
Pero kung mawawala ka, masasaktan siya. Iiyak.
Mahihirapan.
Kala mo band aid ka lang na tatanggalin niya sa sugat niya?
Tapos itatapon, magiging okay na ulit siya. Pero hindi ganun ‘yun, e.
Kung mahal mo siya talaga, mas pipiliin mong magpakatino.
Mas pipiliin mong ayusin ang sarili mo, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa sarili mo. Pwedeng para sa future na rin ninyo. Kung sakaling hindi pa siya matatauhan at makipag-break sa ‘yo.
Hehehe.
Siguro mas mabuting ilabas mo ‘yung galit mo. Kung ano man ang ikinasasama ng loob mo at kung ano man pinagsasabi mo pag lasing ka, ‘yun ang iresolba mo.
Yun ang pag-usapan ninyo at ayusin mo. Bakit si GF ang pinagbabalingan mo? Sa kanya ka ba may isyu?
Tanong mo kay GF kung ano ang pinagsasabi at resolbahin mo ‘yun.
Kung may problema ka sa father mo o sa kanino man, ayusin mo muna damdamin mo. Mag-move on at magpatawad.
Kasi kahit kailan, hindi ka magiging mabuti at matinong tao kung lagi kang galit at di makapagpatawad.
Deserve ni GF ang mabuting ikaw.
Deserve niya ang mapagpatawad at maayos na ikaw. Deserve niya ‘yung totoong nagmamahal at gumagalang sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending