Paulo Avelino may hugot sa pinaputol na buhok: Nakakalungkot pala!

Goodbye long hair. Ito ang sentimyento ni Paulo Avelino nang putulin ang pinahahaba niyang buhok para sa movie nila ni Janine Gutierrez under T-Rex Entertainment, ang “If We Don’t Make It”.
Humugot si Paulo sa kanyang Twitter account nang ipakita ang picture ng pinutol na buhok.

“Nakakalungkot pala pag bigla mong pinutol buhok mo na matagal mong pinahahaba.
“Parang nung time na pinutol niya ang pakikipag usap sa akin,” tweet ni Paulo.
All systems go na sa shooting ng Paulo-Janine team up matapos isagawa ang kanilang look test nila na pasadung-pasado naman sa producers at direktor ng pelikula na si Prime Cruz.

Read more...