Ilong ni Regine napuruhan nang tamaan ng headset habang nagre-record ng kanta

REGINE VELASQUEZ

Nagkaroon ng nose injury si Regine Velasquez habang nagre-record ng kanta sa isang studio. Ibinalita niya sa kanyang Instagram page na tinamaan ng headset ang kanyang ilong.

“May katangahan akong ginawa!!! I was recording some stuff for ASAP. Pagkatapos ko, tinanggal ko na yung headset sa pagmamadali ko the headset hit the bridge of my nose.

“Tapos when I was fixing my make up parang napansin ko may parang maitin sa nose ko kala ko naman napasobra lang nose line ko. But when I touched it masakit pasa na pala,” caption ng Asia’s Songbird sa kanyang IG photo.

Dagdag pa niya, “I didn’t even realize na malakas pala yung pagkahampas nung headset. Tapos paggising ko ayan na siya, gandara!”

Read more...