Kilalang male celeb ‘tinarayan’ ng hair stylist

“DEDMA kami, mas kailangan namin ng kita kesa manood ng shooting niya.” Ito ang mataray na sabi ng hair stylist sa isang salon na malapit sa lugar na pinagsusyutingan ni young aktor.

Tinanong din namin ang ilang nagtitinda ng prutas na katabi rin ng venue ng shooting kung bakit hindi sila nanonood, “E, wala naman kaming makikitang iba, puro siya lang. Hindi naman siya ang gusto namin.”

Kaya namin ito nasulat ay dahil ilang araw na naming napapansin ang shooting ng aktor sa nasabing lugar pero walang fans o supporters na nanonood gayung maraming tao sa lugar.

Hanggang sa may nagsabing, “Kung si Coco Martin ‘yan, baka dumog ‘yan!”

 

Read more...