Shabu itinago sa ‘hotsilog’

BAGSAK sa kulungan ang babae na tinangkang magpuslit ng shabu sa loob ng kulungan sa Fairview Police Station sa Quezon City.

Ayon sa ulat, dumating si Camie Olaguer sa presinto upang bisitahin ang isang lalaking na nakakulong dahil sa droga kahapon.

Nang busisiin ang kanyang mga dalang gamit, nakita ang limang sachet ng shabu na nakatago sa bitbit nitong hotsilog.

Ayon sa jail officer na naka-duty, baligtad ang pagkakabukas niya sa styrofoam na pinaglalagyan ng hotsilog kaya nakita niya agad ang limang sachet ng shabu na nakapailalim sa pagkain.

Depensa ni Olaguer, pinakiusapan lang siyang dalhin ang pagkain at hindi niya alam na may shabu sa loob nito.

Read more...