Ogie Diaz kay Panelo: Wala na kayong naitulong sa mga Pinoy

OGIE DIAZ AT SALVADOR PANELO

Ogie Diaz took a swipe at Presidential Spokesperson Salvador Panelo on his Facebook account.

“It’s not our concern, because it’s not a Philippine vessel. For as long as they do not touch the Philippine ship or vessel, it would be the concern of that country that carries the flag of that particular vessel,” say ni Mr. Panelo sa isang interview about the Green Aura ship na hina-harass diumano ng Chinese vessel.

Through his FB account, Ogie ranted against Panelo.

“Filipino po ang sangkot. Kababayan natin. Nagkataon lang na sa foreign ship nagtatrabaho.

“’Wag kayong ganyan, Ginoong Panelo. Wala na nga kayong naitulong sa kapwa, Filipino mo, ganyan pa maririnig sa yo?

“Bakit di nyo pa lubus-lubusin ang kawalan nyo ng concern? Itanong nyo na din kung mga foreigner ang asawa at mga anak niyan para mapanatag ang loob mo na wala kang pakialam talaga.

“Baka DDS pa yang OFW, pakitanong na din muna ha? Baka botante pa yan ni Pangulo, magtabi-tabi po ka muna.

“O baka Dilawan, lalong wag nyo nang tulungan, baka nakakahiya na sa inyo at nakakaabala lang sa yo.

“Paki-check na din, baka hindi nagbabayad ng buwis yan, lalong hindi nyo na dapat tapunan ng malasakit center.

“JuicekoLord! Normal na lang ba talaga ang ganitong kagagahan ng ilan nating government officials? Sobrang nakakalungkot.”

That was Ogie’s tirade against Mr. Panelo. Any comment, Mr. Panelo?

Read more...