BIBIGYAN-daan natin ang ilang text ng ating mga readers na sumusubaybay sa Dr. Heal. Paumanhin kung hindi natin mailathala kaagad ang kasagutan sa marami ninyong mga tanong. Hindi nangangahulugan na hindi namin kayo binibigyan ng importansiya. Mahalaga kayo sa amin at mahalaga sa Inquirer Bandera ang inyong kalusugan.
Good afternoon, Dr.Heal. Ang tanong ko lang po ay kung bakit ang isang tao ay hindi pa rin tumataba kahit marami naman siyang kumain. – Lira I. Panganiban, 16, Boracay, ….9038
Isa sa maaaring dahilan ay mabilis ang kanyang “METABOLISM”. Pwedeng natural lang ito sa kanyang katawan, nage-ehersisyo siya o maaari rin naman meron siyang “HYPERTHYROIDISM”. Makakabuti kung magpatingin sa doctor para masuri ang tunay na kalagayan.
DOK, magandang araw po sa inyo. Matanong ko lang, ano po ba ang pinaka mainam na gamot, inumin at pagkain sa taong may sakit na respiratory tract infection? Ano po ang mga dapat iwasan? – Greg, …6747
Ang respiratory tract infection ay naguumpisa sa ilong pababa hanggang baga. Kadalasan ay virus ang dahilan ngunit nauuwi sa bacterial infection. Iwasan ang manigarilyo o ma-expose sa usok ng sigarilyo. Uminom ng maraming tubig para malusaw ang plema. Uminom ng Vitamin C, kumain ng masusustansiyang pagkain. Kailangan din ng antibiotic kapag ang plema ay malapot at kulay berde o matinkad na dilaw.
Lagi po akong nakakaramdam ng pagkahilo, lagi rin na masakit ang ulo ko. Mag two years na po itong nararamdaman kong ito. Ano po kaya ito? Salamat po. – Lyn ng Marikina, …6585
Posibleng stressed ka at tension headache ang nararamdaman mo. Mag take ka muna ng pain reliever with muscle relaxant. Pero importante na matuto kang mag-manage ng stress. Pwede kang tumawag sa Radyo Mediko tuwing gabi 8-9:30pm, 05191875-76, makinig po kayo sa Radyo Inquirer dial 990 AM total taga Metro Manila lang naman po pala kayo. Salamat
Editor: Si Dr. Heal ay napapakinggan din sa Radyo Inquirer 990AM gai-gabi mula alas 8 hanggang 9:30.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.